MMDA, nagbigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng MRT na-traffic sa EDSA

Manila, Philippines – Umarangkada na ang libreng sakay na alok ng mmda sa mga pasahero ng mrt na apektado ng matinding traffic sa EDSA.

Ang libreng sakay ay bahagi ng “alalay sa mrt 3” na bagong proyekto ng MMDA, upang tulungan ang mga pasahero na ayaw makipagsiksikan sa MRT kapag rush hour.

Sa isinasagawang dry-run ng MMDA, alas 7:15 kanina ng umalis ang unang bus ng P2P bus sa EDSA North Avenue station at inaasahan sanang dadating sa Ayala station sa Makati alas 7:45.


Pero alas 7:30 na kanina ay nasa bahagi pa lamang ng EDSA Kamuning ang bus dahil sa traffic sa EDSA kahit pa may escort pang hpg gamit ang sirena.

Ayon sa MMDA, posibleng sa araw na ng biyernes pormal ng simulan regular ang implementation ang “alalay sa MRT 3”.

Facebook Comments