MMDA, nagdagdag ng mga sasakyan para sa “Libreng Sakay” ng mga estudyante at commuter sa Quezon City

Nagdagdag pa ng 9 na sasakyan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa “Libreng Sakay” program para sa mga estudyanteng may face-to-face classes at iba pang commuters sa Commonwealth, Quezon City.

Ayon kay MMDA acting Chairman Carlo Dimayuga III, una na silang nakapag-deploy ng pitong bus at dalawang military truck para sa mga bumabyahe mula sa Doña Carmen Avenue hanggang Welcome Rotonda.

Dagdag pa ni Dimayuga, aabot sa 500 hanggang 600 na komyuter ang naseserbisyuhan ng nasabing programa araw-araw at inaasahang magtatatagal pa ito hanggang sa Disyembre 2022.


Ang programang Libreng Sakay at nagsisimula tuwing alas-6:00 ng umaga hanggang alas-11 at tuwing Lunes at Biyernes.

Facebook Comments