Presyo ng siling labuyo sa ilang pamilihan, tumaas na rin!

89

Tumaas na rin ang presyo ng siling labuyo sa ilang pamilihan.

Nitong mga nakaraang araw, pumalo na sa P400 hanggang P600 ang presyo ng kada kilo ng siling labuyo.

Kasunod nito, umaaray na ang ilang may-ari ng mga karinderya dahil sa mataas na presyo nito.


Sa ngayon kasi ay apat na piraso na lang ng siling labuyo ang mabibili sa halagang P20.

May ilan naman sa kanila ang hindi muna gumagamit ng siling labuyo, kung saan ang alternatibong binibigay nila sa customer ay hot sauce.

Samantala, may ilang palengke na rin ang nagkaroon ng kakulangan ng suplay ng siling labuyo dahil sa patuloy na pag-ulan.



Facebook Comments