MMDA, naghahanda na sa posibleng epekto ng Bagyong Dante sa Metro Manila

Nakahanda na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa magiging epekto ng Bagyong Dante sa Metro Manila.

Binisita kanina ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang mga flood control project upang tiyakin na hindi barado ng mga basura at kaya nitong makapag-pump ng tubig dala ng posibleng pagbaha.

Unang ininspeksyon ni Abalos ang Tripa de Gallina pumping station sa San Carlos Village, Pasay City.


Inalam ng MMDA Chairman kung may sapat na gasoline supply at gumagana ang mga generator ng naturang pumping station.

Ang Tripa de Gallina pumping station ay mayroong walong pumping station sa Metro Manila na may kakayahang mag-pump ng 7 cubic meter per second na tubig.

Kung hindi magtuluy-tuloy ang pag-pump nito ng tubig ay lilikha ito ng pagbaha na aabot ng Makati.

Kaya, pinatitiyak ni Abalos na nahahakot araw-araw ang mga basura.

Isinunod naman niyang binisita ang Provident Village sa Marikina City.

Facebook Comments