MMDA, nagkasa ng clearing operation sa gitna ng malakas na buhos ng ulan

Sa gitna ng malakas na buhos ng ulan, nagkasa pa rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng clearing operations.

Partikular sa Service Road ng Roxas Blvd. sa Pasay City hanggang makarating ng bahagi ng Baclaran sa Parañaque city.

Pinangunahan ni MMDA General Manager Frisco San Juan Jr. ang clearing operations kung saan target nilang malinis ang lansangan sa magkabilang bahagi ng Roxas Blvd.


Ayon kay GM San Juan, ang mga sagabal na kanilang masasalubong ay kanila munang sisitahin at bibigyan ng warning.

Aniya, hindi muna nila kukumpiskahin ang mga paninda o gamit ng mga vendor at hindi rin nila ito pagbabayarin ng multa.

Subalit isang SUV naman ang hinatak dahil sa iligal na pagpaparada nito sa mismong daanan ng tao.

Iginiit kasi ni GM San Juan na pagbibigyan muna nila ang mga masisitang indibidwal dahil na rin sa hirap ng buhay bunsod ng pandemic.

Pero kung masisita o mahuhuli silang muli, hindi na sila pagbibigyan pa ng mga tauhan ng MMDA.

Facebook Comments