Monday, January 19, 2026

MMDA, naglabas ng bagong schedule para sa Pasig River Ferry System

Naglabas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng bagong trip schedule ng Pasig River Ferry.

Batay sa MMDA, alas-7:00 ng umaga magsisimula ang kanilang downstream trip mula Pinagbuhatan sa Pasig hanggang Escolta sa Maynila at magtatapos ng alas-4:oo ng hapon.

Ang upstream trip naman na mula Escolta patunong Pinagbuhatan ay magsisimula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Magsisimula naman alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon ang biyahe mula Guadalupe hanggang Maybunga.

Paalala ng MMDA, nananatiling libre ang pamasahe sa Pasig River Ferry na bumibihaye mula Lunes hanggang Sabado.

Facebook Comments