Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Libreng Sakay Program sa Quezon City.
Ito ay upang makatulong sa mga commuters lalo na sa mga estudyante kasunod ng pagbabalik ng face-to-face classes.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Engineer Carlo Dimayuga III, nag-deploy sila ng pitong bus at dalawang military trucks na magta-transport sa mga commuters mula Doña Carmen hanggang Welcome Rotonda.
Magsisimula ang libreng sakay mula 6am hanggang 11am at 1pm hanggang 6pm at bukas sa mga commuters sa lugar mula Lunes hanggang Biyernes.
Inaasahan namang makakatulong ito sa 500 hanggang 600 pasahero kada araw at isinusulong nilang ipagpatuloy ito hanggang Disyembre 2022.
Facebook Comments