San Miguel Beermen, nasungkit ang ikalawang pagkapanalo kontra TNT Tropang Giga sa Game 3 ng PBA Philippine Cup Finals

74

Lamang na ang San Miguel Beermen matapos magtapos 2-1 ang standing kontra TNT Tropang Giga sa ginanap na Game 3 ng PBA Philippine Cup Finals kagabi.

Ito ay matapos magpakitang-gilas si Beermen Center June Mar Fajardo na nakapagtala ng 27 points at 27 rebounds sa ikatlong bugso ng best-of-7 series ng kampyeonato.

Sinegundahan din ito ng kaniyang mga kapwa teammates na sina Robbie Herndon, Chris Ross at Jericho.


Hindi naman nagpahuli ang Shooting Guard ng TNT na si Roger Pogoy na nagpakawala ng 25 points sa naturang laban.

Sa huli ay nagtapos sa 108-100 ang laban pabor sa Beermen.

Magaganap naman ang Game 4 ng nagpapatuloy na PBA Cup Finals bukas ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.



Facebook Comments