MMDA, naglunsad ng online filing platform para sa mga magko-contest ng traffic violations

Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang online filing platform para sa mga motoristang magko-contest.

Ang kailangan lamang gawin ng mga motorista ay pumunta sa website ng MMDA o i-scan ang QR Code para ma-download ang google form na gagamitin sa pag-contest.

Sa pamamagitan nito, hindi na kinakailangan pang magpabalik-balik ng isang motorista sa opisina ng MMDA kung kapag kumpleto ang kanilang requirement.


Hindi naman sakop ng online filing ang mga nahuli sa NCAP na na-TRO ng Supreme Court.

Nilinaw rin ng MMDA na bagama’t online ang filing ng contest ay personal pa rin ang pagharap sa hearing.

Facebook Comments