Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, posible sa susunod na linggo

132

Posibleng magkaroon muli ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Managament Bureau (OIMB) Director Rino Abad, nasa higit piso ang posibleng tapyas sa lahat ng produktong petrolyo.

Pero maaaring pa itong tumaas kung walang mangyayaring paggalaw sa palitan ng piso kontra dolyar.


Samantala, posibleng tumaas naman ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) simula sa darating na Nobyembre dahil sa inaasahang pagtaas ng demand nito.

Facebook Comments