MMDA, nagpaliwanag hinggil sa paggamit ng interim terminals sa kasagsagan ng dry run ng provincial bus ban sa EDSA

Ipinaliwanag ng Metro Manila Development Authority o MMDA na ang mga itinayong mga terminal sa Valenzuela City at sta. Rosa, Laguna ay pansamantala lamang.

 

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, itinayo ang dalawang terminal para sa dry run ng provincial bus ban sa EDSA.

 

Sinabi pa ni Garcia na may plano ang Department Of Transportation na magtayo ng permanenteng terminal subalit tatlo hanggang apat na taon pa bago matapos.


 

Dahil dito, napilitan silang gamitin ang mga interim terminals sa sta. Rosa at Valenzuela kung saan pumayag naman daw ang Metro Manila Council.

 

Giit pa ni Garcia, nagdesisyon silang gamitin ito dahil kung hihintayin nilang matapos ang pinapatayong terminal ng DOTr ay magiging grabe na ang lagay ng trapiko sa bansa.

 

Nanindigan din ang MMDA na itutuloy nila ang planong tanggalin ang mga provincial bus terminal sa EDSA at lahat ng kanilang hakbang ay para sa kapakanan ng publiko.

Facebook Comments