MMDA, nagpaliwanag sa proseso sakaling maipatupad na ang 2-day number coding scheme sa Metro Manila

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang MMDA sa proseso sakaling maipatupad na ang 2-day number coding scheme sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA – ang mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa 1, 2, 3, at 4 ay hindi pwedeng bumiyahe kapag Lunes, habang ang mga nagtatapos sa 5, 6, 7, at 8 ay bawal kapag Martes.

Miyerkules naman bawal sa mga lansangan sa Metro Manila ang mga sasakyang nagtatapos sa 9, 0, 1, at 2 at muling hindi magagamit ang mga may plate number na nagtatapos sa 3, 4, 5, at 6 kapag Huwebes.


Ang mga may plate number na nagtatapos naman sa 7, 8, 9, at 0 ay hindi muli pwedeng gamitin kapag Biyernes.

Pero, nilinaw ng MMDA na ang mga nabanggit na araw ay pawang rekumendasyon pa lamang at hindi pa ito pinal na ipatutupad.

Facebook Comments