Nagsagawa na ng clearing operation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kalsadang malapit sa sementeryo bilang paghahanda sa Undas 2022.
Nauna nang nagsagawa ng clearing operation ang MMDA sa Tugatog Public Cemetery sa Malabon at Sangandaan Cemetery in Caloocan.
Ayon kay MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija, mahigpit nilang babantayan ang mga sementeryo hanggang sa araw ng Undas upang masiguro na walang mga illegal vendors at illegal parking sa mga kalsada nito.
Malaban dito, mag-iinspeksyon din ang MMDA sa mga bus terminals para sa mga babiyahe palabas at pagbalik ng Metro Manila.
Samantala, tututukan din ng Quezon City Police District (QCPD) ang limang sementeryo sa Quezon City sa pamamagitan ng drones.