Manila, Philippines – Nagsagawa ng clearing operations kahapon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng service road ng Roxas Boulevard malapit sa pagilig ng Baclaran church.
Pinag-aalis ng mga tauhan ng MMDA ang mga illegal vendors, terminal at hinatak ang mga illegaly parked vehicles.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos – layon nito na unti-unting buksan sa mga motorista ang service road mula Baclaran hanggang tm Kalaw para mapaluwag ang trapiko.
Dagdag pa ni Orbos – ang mga apektadong vendor ay maaring lumipat sa HP place sa Macapagal Boulevard simula sa susunod na buwan.
Sa ngayon, isa hanggang dalawang lane lamang ang ibibigay sa tinatayang tatlo hanggang apat na libong vendor.
Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng Parañaque na magbabantay para hindi na makabalik ang mga nakakasagabal sa kalye.
Nation