MMDA, nagsagawa ng declogging operations sa ilang bahagi ng Metro Manila

Manila, Philippines – Kasunod ng malakas na pag-ulan na naranasan sa buong Metro Manila at kalapit na lugar kagabi hanggang kaninang umaga, nagsagawa ng declogging operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ilang bahagi ng lungsod.

Kaninang umaga, sinuyod ng mga tauhan ng MMDA ang kahabaan ng EDSA Cloverleaf at nilinis ang mga drainage.

Mga basura naman ang nakuha ng MMDA sa drainage ng Malate, Oroquieta, at Sta. Cruz, Maynila.


Hindi rin nakalusot at nilinis din ang estero ng Gov. Pascual St., Malabon City.

Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, tuloy-tuloy ang declogging operations na kanilang isasagawa at hindi sila mapapagod sa kakalinis ng mga estero.

Pero pakiusap ni Lim, itapon sa tamang lagayan ang mga basura nang sa gayon ay hindi ito magbara at magdulot ng pagbaha.



Facebook Comments