Agad na naglinis ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Parkways Clearing Group sa Quirino Grandstand matapos isagawa ang “Pahalik” at Misa Mayor para sa pagdiriwang ng pista ng Poong Itim na Nazareno ngayong araw.
Karamihan sa mga basurang nakolekta ng MMDA ay mga pinagkainan ng mga deboto at plastic bottles.
Unti-unti namang nababawasan na ang kapal ng tao sa Quirino Grandstand.
Ito ay matapos ang pag-alis ng andas pero nagpapatuloy pa rin ang tradisyunal na ‘Pahalik’.
Patuloy pa rin ang pagpila ng mga deboto bagama’t masama ang panahon.
Ilan sa mga deboto ang nagtatakip na lamang ng kanilang dalang towel at balabal sa ulo bilang pananggalang sa ulan.
Facebook Comments