Nazareno, maibabalik sa Quiapo Church bago mag-alas-sais ng gabi

 

Posibleng maibalik na sa Simbahan ng Quiapo ang Imahe ng Itim na Nazareno bago mag alas-sais ng gabi.

Ayon kay PLtCol. Leandro Gutierrez Station 3 Sta Cruz Commander Base ito sa tantiya ng mga Hijos na naghahatak sa andas.

Aniya, mabilis ang usad ng prusisyon dahil mayroong salamin ang poon dahilan para hindi ito masampahan ng mga deboto.


Wala din aniyang naitatalang aberya sa prusisyon kung kaya’t posibleng maaga itong maibalik sa simbahan.

Nagkakaroon lamang aniya ng pagbabagal sa prusisyon sa mga maliliit na eskenita tulad ng Fraternal at Vergara.

Malaking tulong din ani Gutierrez, ang kooperasyon ng mga deboto sa mabilis na pagusad ng andas.

Facebook Comments