MMDA, nakipagpulong sa Marikina LGU kaugnay sa epekto ng Bagyong Ulysses

Courtesy: MMDA Facebook Page

Personal na binisita ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim ngayong umaga upang tingnan ang mga apektadong lugar ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Lim, naka-focus ngayon ang kanilang pagtulong sa lungsod ng Marikina dahil ito ay lubhang naapektuhan ng Bagyong Ulysses kumpara sa iba pang Local Government Units (LGUs) ng Metro Manila.

Maliban sa mga truck at personnel ng MMDA ang pinadala para tumulong sa clearing operation, nagbigay rin ng ayudang pinansyal ang MMDA katuwang nito ang private sectors.


Samantala, kanya-kanya naman ang paglilinis o pagtanggal ng mga natirang putik ang ilang residente ng Marikina.

Halos hindi pa rin natatanggal ang ilang basura na dulot ang pagbaha sa ilang kalsada ng lungsod.

Facebook Comments