Muling nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na makiisa at tumulong sa paglinis ng mga bakuran upang maiwasan na dapuan ng sakit na dengue.
Ayon sa MMDA, ngayong tag-ulan maraming sakit ang maaaring dumapo gaya ng trangkaso, leptospirosis at dengue.
Huwag hayaang may nakaimbak na mga tubig sa mga paso at mga lumang gulong na posibleng pamahayan ng mga lamok.
Magdala ng panangga sa ulan para makaiwas sa sakit, magsuot din ng bota kung lulusong sa baha para maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng leptospirosis na nakukuha sa ihi ng daga.
Facebook Comments