MMDA, nanindigan na hindi ihihinto ang yellow lane policy sa EDSA

Nanindigan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na tuloy-tuloy pa rin ang pagpapatupad ng yellow lane policy kasabila ng sangkatutak ng reklamo sa nasabing alituntunin.

 

Ayon kay MMDA Traffic Chief Bong Nebrija, kailangan na mayroong parte ang bawat isa para masolusyunan ang matinding traffic sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

 

Dagdag pa ni Nebrija na kailangang mag-adjust ang lahat hindi lamang ang mga bus drivers at mga pasahero kungdi kasama na rin ang mga pribadong sasakyan.


 

Paliwanag ng MMDA na hindi dapat sisihin ng publiko ang umiiral ng yellow lane policy sa pagiging umano’y anti-poor nito.

 

Pumalag naman ang mga grupo ng city buses, katwiran nila na maliit lamang ang bilang ng mga bus na dumadaan sa edsa kumpara sa mga pribadong sasakyan.

 

Naging maliwag naman ang daloy ng trapiko sa yellow lane sa EDSA nitong sabado na patunay na tiyak dahil pabago-bago ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Facebook Comments