MMDA, nilinaw na lahat ng mayors ng Metro Manila ay sumang-ayon na huwag munang palabasin ang mga hindi pa fully vaccinated

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lahat ng Metro Manila mayors ay sumang-ayon na i-regulate muna ang paglabas ng hindi pa fully vaccinated na mga indibidwal na residente ng Metro Manila habang umiiral ang COVID-19 Alert Level 3 status.

Ang paglilinaw ng MMDA ay ginawa matapos magkamali ang isa sa mga opisyal ng nasabing ahensya, matapos sabihin nito na hindi pumirma si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa MMDA resolution na nag-uutos sa mga Metro Manila mayors na gumawa ng ordinansa kaugnay sa pag-regulate sa paglabas ng bahay ng mga hindi pa bakunado o fully vaccinated.

Batay sa pahayag ng MMDA, inaamin at inaako nila ang ang pagkakamali kaya naman nais nilang itong maitama.


Sinabi rin ng MMDA na nakapirma na si Mayor Teodoro sa nasabing resolution.

Facebook Comments