Deputy Speaker Benny Abante, positibo sa COVID-19

29

Kinumpirma ni Deputy Speaker Benny Abante na positibo siya sa COVID-19.

Sa inilabas na statement, sinabi nito na ngayong umaga niya natanggap ang resulta ng test kung saan positibo nga ito sa sakit.

Ito na ang ikalawang beses na tinamaan ng COVID ang mambabatas na kasalukuyang nakararanas ng pananakit ng katawan.


Bago pa man lumabas ang test ay sinabihan na niya ang mga nakasalamuha na mag self-quarantine at i-monitor ang mga sarili para sa sintomas.

Malaki naman ang paniwala ni Abante na nakatulong ang kanyang pagiging fully vaccinated at nabigyan na rin ng booster dose upang hindi lumala ang epekto ng COVID.

Kasabay nito ay hinimok ng Manila solon ang mga hindi pa bakunado, lalo na ang mga senior citizen na magpabakuna na at palaging sumunod sa health protocols.



Facebook Comments