MMDA, nilinaw na weekdays lamang ipatutupad ang modified mall hours

Manila, Philippines – Dahil pumatak ng Linggo ang Oct 15, ang unang araw ng pagpapatupad ng modified mall hours sa Metro Manila.

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority na tuwing weekdays lamang ipatutupad ang nasabing panuntunan.

Sa ilalim ng modified mall hours magbubukas ang mga mall ng alas-onse ng umaga at magsasara ng alas onse ng gabi.


Kumpara sa pinaiiral na mall hours ngayon na 10am-10pm.

Ang hakbang ay bunsod narin ng papalapit na panahon ng kapaskuhan kung saan marami sa ating mga kababayan ang nagsshopping sa mga mall na nagiging dahilan naman ng pagsikip ng daloy ng trapiko.

Saklaw din ng naturang modified mall hours ang deliveries sa mga mall kung saan maaari lamang nila itong gawin mula alas onse ng gabi hanggang alas sinco ng madaling araw pwera na lamang sa mga perishable goods.

Bawal narin ang pagsasagawa ng weekend sale simula Oct. 15.

Facebook Comments