MMDA, paiigtingin ang panghuhuli sa mga lalabag sa bus lane

Manila, Philippines – Simula ngayong araw mahigpit na ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority ang yellow lane policy sa EDSA.

May mangilan-ngilan paring mga bus ang lumalabas sa bus lane at mayroon din namang mga pribadong sasakyan ang gumagamit o dumadaan sa bus lane.

Ang mahuhuling bus na lalabag sa yellow lane ay pagbabayarin ng P200 at ang mga pribadong sasakyan na mahuhuling gagamit ng bus lane ay pagmumultahin naman ng P500 sa pamamagitan ng no apprehension policy.


Paliwanag ng MMDA sa mga motorista na kakanan o liliko, dapat ay 100 meters bago sila lumiko ay doon pa lamang sila ppwesto sa bus lane dahil kung hindi panigurado sila ay masasampolan ng MMDA.

Facebook Comments