MMDA, palalawakin pa ang bicycle lane sa EDSA

Courtesy: Greenpeace

Inanunsyo ngayon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Don Artes na target nilang palawakin pa ang bicycle lane sa EDSA at gawing isang shared lane.

Ayon kay Artes na kanila nang pinag-aaralan na pagsamahin ang motorcycle lane at bike lane sa mga pangunahing lansangan gaya ng EDSA.

Paliwanag pa ni Artes na under-utilized ang bike lane sa EDSA dahil sa mas kakaunti ang mga siklistang dumaraan dito kumpara sa mga nagmomotorsiklo.


Sa datos ng MMDA, 1,500 lamang na bisikleta ang dumaraan sa EDSA bike lane habang 170,000 naman ang kabuuang bilang ng motorsiklo ng dumaraan sa EDSA kada araw.

Una nang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na bilang solusyon sa problema sa mabigat na daloy ng trapiko, kanilang ikokonsidera ang pagdaragdag ng motorcycle lane sa mga pangunahing lansangan sa National Capital Region.

Nilinaw ni Artes na walang deadline ang kanilang pagpaplano ng polisiya at programa na layong mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Facebook Comments