Balik- perasyon na muli ngayong araw, Setyembre 2, ang Pasig River Ferry Service matapos suspendihin ng ilang araw dahil sa mga pag-ulan bunsod ng sama ng panahon.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pinasimulan na kaninang alas-7:00 ng umaga ang unang biyahe ng Ferry Service.5
Ayon sa MMDA, lahat ng 13 istasyon nito ay bukas na sa publiko.
Kinabibilangan ito ng mga istasyon sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, at Kalawaan sa Lungsod ng Pasig.
Kasama rin ang Guadalupe at Valenzuela sa Makati City, at Hulo Station sa Mandaluyong.
Operational na din ang istasyon ng Lambingan, Sta Ana, PUP, Lawton, Escotta, at Quinta, sa Maynila.
Facebook Comments