
Pinabulaanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kumakalat na litrato ng kanilang enforcer na nagtatago umano sa ilalim ng Nagtahan Bridge sa Maynila.
Nilinaw ng MMDA na hindi nagtatago ang kanilang tauhan bagkus ay nag-ooperate ito ng traffic signal light sa naturang lugar.
Ayon sa MMDA, ang lugar kasi kung saan nakuhanan ng picture ang nakatayong enforcer ay sa harap ng local controller ng signal light sa Plaza Avelino intersection sa ilalim ng nabanggit na tulay.
Dagdag pa ng MMDA, kinakailangang i-mano mano na i-operate ang traffic signal light dahil sa sitwasyon ng trapiko sa lugar.
Nagpaalala naman ang ahensya na suriin munang mabuti ang sitwasyon at alamin ang buong konteksto bago gumawa ng interpretasyon para lamang sa content.










