Manila, Philippines – Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ibigay ngayong taon ang anim hanggang walong libong pisong hazard pay sa kanilang mga tauhan partikular na ang mga traffic enforcers.
Nabatid na ipinanukala ni MMDA Chairman Danny Lim sa Metro Manila Council (MMC) ang pagbibigay ng hazard pay sa kanilang mga tauhan para mapataas ang kalidad ng pamumuhay nila.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, nakakatanggap lamang ng P9,000 hanggang P11,000 buwanang sahod ang mga “job order status” nilang mga tauhan.
Kung maaprubahan anya ang buwanang hazard pay, inaasahan nilang mas lalong magsisipag at magkakaroon ng dagdag na dedikasyon sa kanilang trabaho ang kanilang mga enforcers at iba pang nasa frontline tulad ng mga nasa “sidewalk clearing operations groups”.
Ipinarating na ng MMDA ang panukala sa Department of Budget and Management para mabigyan ng karampatang pondo.
DZXL558