DOH, hinikayat ang mga pinoy na magdonate ng dugo

Manila, Philippines – Hinikayat ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial ang publiko na magdonate ng dugo.

Ayon kay Ubial – kinakapos na ang bansa sa target nitong isang milyong bag ng dugo.

Sabi ng kalihim – nasa 920,000 bag ng dugo lamang ang nakolekta nuong 2016.


Batay kasi sa global target – dapat magkaroon ng isang porsyento ng populasyon ng blood donor ang isang bansa.

Binigyan diin naman ni Ubial – maganda para sa kalusugan ang pagdo-donate ng dugo lalo’t nakakapag-produce ito ng bagong blood cells.

Mas mainam na rin anya ang nagbigay ng dugo kaysa sa tumanggap na lamang ng dugo.
DZXL558

Facebook Comments