MMDA, tiniyak na gumagana ang lahat ng Pumping Stations nito

Tiniyak ng MMDA na Operational ang lahat ng 61 Pumping Stations nito.

Ito’y kasabay ng matinding pag-ulang hatid ng Bagyong Tisoy.

Pero aminado si MMDA Chairperson  Danilo Lim na kahit gumagana ang mga Pumping Stations ay may ilang bahagi pa rin ng Metro Manila ang binabaha dahil sa mga basurang nakabara sa mga daluyan ng tubig.


Ang mga basurang nakukuha sa Pumping Stations ay inilalagay sa Conveyor Belt at inililipat ang mga basura sa isang compound.

Hindi lang mga maliliit na basura ang kanilang narerekober, dahil may mga nakukuha silang bags, baskets, at gulong.

Apela ng MMDA sa publiko, maging responsable sa mga itinatapon.

Facebook Comments