Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tatalima ito sa pagpapatigil ng Korte Suprema sa implementasyon ng “No Contact Apprehension Policy” (NCAP) ng ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Ito ay matapos linawin ng Supreme Court na sakop ang MMDA ng Temporary Restraining Order (TRO).
Ayon kay Supreme Court Spokesman Atty. Brian Hosaka, sakop din ng TRO ang implementasyon ng Quezon City, Valenzuela City, Paranaque City, Muntinlupa City at Land Transportation Office ng NCAP.
Isasalang sa oral arguments ang nasabing petisyon ng transport groups sa January 24,2023.
Facebook Comments