Hustisya sa mga pulis na nasawi sa pananambang sa Maguindanao, tiniyak ng pamunuan ng PNP

1284

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., na pananagutin ang mga responsable sa pananambang na nagresulta sa pagkamatay ni Ampatuan municipal police station Chief Police Lieutenant Reynaldo Samson at Police Corporal Salipuden Talipasan Endab, at pagkasugat ng 3 pulis.

Matatandaangng magsisilbi sana ng warrant of arrest ang mga pulis laban sa isang notorious na indibidwal nang paulanan sila ng bala sakay ng kanilang patrol car ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Kapinpilan kahapon ng umaga.

Kasunod nito naniniwala si Police Regional Office- Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Police Brigadier General John Gano Guyguyon, na posibleng natunugan o mayroong nag-leak sa operasyon ng grupo kaya napaghandaan sila ng mga armadong kalalakihan.


Sa ngayon, nagsagawa na ng hot pursuit operation ang lokal na pulisya kasama ang PNP Special Action Force sa mga responsable sa krimen.

Facebook Comments