MMDA: Trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, inaasang mas bibigat ngayong Biyernes

Inaabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga motorista na magbaon ng mahabang pasensya.

Ayon kay MMDA Director for Traffic Enforcement Victor Nuñez, ngayong Biyernes, December 22 kasi ang huling araw ng pasok para sa ilang kompanya kaya inaasahang marami ang babiyahe pauwi ng kani-kanilang mga probinsya.

Paliwanag pa ni Nuñez na maliban dito ay “pay day din” sa ilang kompanya kaya marami ang inaasahang hahabol sa pamimili.


Dagdag pa ni Nuñez na puspusan ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga bus terminal at mga pall para sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko.

Aabot naman sa mahigit 2,300 traffic personnel ang kanilang pinakalat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan.

Samantala, suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Number Coding Scheme sa Lunes, Disyembre 25, Christmas Day, Martes, Disyembre 26, at Lunes, Enero 1, 2024, New Year’s Day.

Facebook Comments