Mahigit 110-K na pasahero, naitala ng pamunuan ng PITX kahapon

Doble na ang bilang ng mga pasaherong gumamit ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kahapon.

Sa pagtatala ng PITX media affairs division, as of 8pm umabot sa 112,868 ang biyahero kagabi.

Kahapon kasi ang peak o kasagsagan ng uwian hanggang sa December 24.


Ayon sa PITX, maiging agahan ng mga biyahero ang pag-book ng kanilang ticket upang hindi na maabala pa at makipagsiksikan sa pila.

Samantala, may ilan na rito ang nagpalipas na ng gabi o kaya naman ay maaga pa lang ay nagtungo na rito sa terminal.

Sa kakalsadahan naman natin sa Metro Manila partikular na sa EDSA, medyo maluwag na ang daloy ng trapiko at hindi na rin gaano ramdam ang bigat ng mga sasakyan sa ngayon.

Facebook Comments