MMDA tutol sa pamamasada ng motorcycle taxi

Manila, Philippines – Malamig ang tugon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isinusulong ng ilang mambabatas sa pamamasada ng ilang motorcycle taxi tulad ng habal-habal at Angkas.

Nabatid na nagpasa ang Kamara ng isang resolusyon na payagang makabyahe ang mga motorsiklo bilang public transport service na nakikita nilang solusyon sa mabigat na daloy ng trapiko.

Ayon kay MMDA Assistant Secretary Celina Pialago, karamihan kasi sa naitatala nilang aksidente sa lansangan ay kinasasangkutan ng motorsiklo.


Sa datos ng MMDA 14% sasakyang nasangkot sa aksidente sa Metro Manila ay motorskilo at halos labimpitong libong motorsiklo ang nasangkot sa aksidente sa NCR noong Enero hanggang Setyembre ng nakalipas na taon.

Paliwanag ni Pialago mahilig kasing sumingit-singit ang mga motorsiklo dahilan kung bakit sila naaaksidente.

Facebook Comments