MMDA umapela sa city bus operators na ‘wag magpataw ng dagdag-pasahe kapag tuluyan nang naipatupad ang bus ban

Nakikiusap ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa city bus operators na huwag nang humirit ng dagdag-pasahe sa oras na maipatupad ang bus ban sa EDSA.

Sa katanuyan, ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief Edison “Bong” Nebrija sa kanilang proposal sa mga provincial bus operators ay magbawas ng singil sa pasahe.

Inihalimbawa nito ang P1,000 pamasahe mula Bicol hanggang Cubao kung saan dapat magbawas pa nga ng P100 sa pamasahe dahil hanggang Sta. Rosa terminal lamang nila ihahatid ang kanilang mga pasahero.


Kasunod nito, dahil ma-e-extend ang biyahe ng mga city buses hanggang sa mga terminal sa labas ng Metro Manila nakikiusap ang MMDA na kung maaari ay P100 na lamang ang pamasahe o ung natitira mula doon sa kabuuang pasahe.

Sa ngayon hindi pa tiyak ng MMDA kung kailan talaga ipapatupad ng provincial bus ban sa EDSA.

Ito ay dahil naka-depende aniya ito sa Metro Manila Council (MMC) at hinihintay din nila ang ilalabas na fare matrix ng LTFRB.

Facebook Comments