Umapela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pamahalaan na palawigin pa ang palugit sa pamimigay ng ayuda sa mga residente ng NCR Plus bubble na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay MMDA Chairman Benjamin Abalos, hindi kakayanin ng mga Local Government Units (LGUs) na tapusin ang pamamahagi sa loob lamang ng dalawang linggo.
Aniya, kailangan pa rin kasi ng mga LGUs na panatilihin ang health standards sa habang namamahagi ng ayuda.
Samantala, posibleng muling buksan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ‘low-risk’ business sector sa NCR Plus bubble.
Paliwanag ni Trade Secretary Ramon Lopez, hindi na kakayanin ng ekonomiya kung papalawigin pa ang ECQ.
Facebook Comments