Wala pa ring tugon ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA kung tatanggapin nila ang inaalok na ₱100,000 ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na hinuli kahapon ng MMDA traffic enforcers makaraang dumaan ang kanyang mga sasakyan sa EDSA Bus Lane.
Matatandaang humingi ng public apology si Singson kahapon.
Ayon kay Singson, nagmamadali umano sila dahil mayroon silang hinahabol na guesting sa isang TV network sa Quezon City kaya’t hindi inaasahan ay nag-overtake ang kanyang driver at napadaan sa EDSA Bus Lane na naging dahilan kung bakit sila hinuli at tiniketan ng MMDA traffic enforcer.
Sa halip na magalit ay pinapurihan pa ni Chavit ang mga traffic enforcer at nag-alok ng ₱100,000 na kanyang ipadaraan kay MMDA Acting Chairman Don Artes pero wala pang tugon dito ang pinuno ng MMDA.