Plano ng Metro Manila Development Authority na huwag itapon at sa halip ay iipunin nila ang mga nabaklas na campaign posters ng mga kandidato.
Ayon kay MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, handa nilang iimbak ng hanggang anim na buwan ang mga posters at tarpaulin kung saan ire-recyle nila ito para maging kapaki-pakinabang.
Makikipag-ugnayan din ang mmda sa non-government organization para may mapag-gamitan ang mga ito.
Ayaw din nilang itapon o kaya ay ideretso sa mga dumpsite ang mga campaign posters dahil pawang yari ang mga ito sa plastic na posibleng makadagdag pa ng polusyon.
Sa ngayon patuloy ang oplan baklas operation ng MMDA at aabot na sa halos dalawang daang libong campaign posters at tarpaulin ang kanilang nahahakot sa Metro Manila.