MNLF at MILF nagkasagupa sa Sultan Kudarat Maguindanao

Nabulabog ang pagdiriwang ng araw ng mga Ama sa bahagi ng Brgy. Macaguiling, Sultan Kudarat Maguindanao matapos magkaengkwentro ang mga armadong grupo alas syste ng umaga.
Sa report mula PNP Sultan Kudarat, sinasabing mga grupo ng Moro Islamic Liberation Front kontra sa grupo ng Moro National Liberation Front ang nasangkot sa engkwentro.
Sugatan sa pangyayari ang isang Sulaiman Mingkot Makauyag, 41 year old myembro Task Force Itihad, 128 BC BIAF MILF .
Sinasabing grupo 9th Brigade , Kutawato Empire ng MNLF ang nakasagupa ng mga myembro ng Task Force Itihad.
Nagdulot ng takot ang tensyon bukod pa sa mahabang daloy ng trapiko.
Agad namang nagresponde ang mga elemento ng kapulisan, militar at marines maging ang ilang Local Officials at napahupa ang tensyon.
Contributed Photos
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>




Facebook Comments