MNLF Chair Nur Misuari at iba pang dating opisyal ng ARMM, inisyuhan ng Hold Departure Order ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Inisyuhan ng Hold Departure Order ng Sandiganbayan 3rd Division sina dating ARMM Governor at MNLF Chairman Nur Misuari at apat na iba pang dating opisyal ng ARMM.

Ang kautusan ay pirmado ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na nag-aatas sa Bureau of Immigration na pigilan ang tangkang paglabas ng bansa ng mga ito.

Bukod kay Misuari, kabilang sa binigyan ng HDO sina dating Department of Education ARMM Director Leovigilda Cinches, Supply Officer Sittie Aisa Usman, Accountant Alladin Usi at Chief Accountant Pangalian Maniri.


Ang HDO sa mga ito ay kaugnay sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ng mga ito patungkol sa maanomalyang pagbili ng P137.5M halaga ng educational materials noong nanunungkulan pa ang mga ito sa ARMM.

Sinasabing nagkuntsabahan ang mga ito upang bumili ng mga educational materials ng walang anumang isinagawang public bidding.

DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments