Pag-iisyu ng PEZA ng fire safety certificate sa mga casino, pinaparepaso ni Sen. Lacson

Manila, Philippines – Pinaparepaso ni Senator Panfilo Ping Lacson ang kapangyarihan ng Philippine Economic Zone Authorithy o PEZA na mag isyu kada taon ng fire safety inspection certificate na nagsabing ligtas sa sunog ang mga casino kabilang ang Resorts World.

Binigyang diin ni Sen. Lacson na ang Bureau of fire Protection lamang, at hindi ang PEZA, ang may expertise at karanasan pagdating sa fire safety standards.

Naniniwala si Lacson na walang competence ng PEZA na kumilatis sa fire safety measures ng mga casino.


Ang kapangyarihang ito ng PEZA ay pinalakas ng legal opinion number 14 na inilabas ni Senator Leila De Lima noong sya pa ang justice secretary.

Sa nangyaring pagsunod ng isang armadong suspek sa Resorts World nitong nakaraang Biyernes kung saan 37 ang nasawi ay lumutang na hindi nasuri ng Bureau of Fire Protection ang Resorts World Manila dahil sakop daw ito ng PEZA.
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments