Tinatayang nasa limampung libo hanggang tatlong daang libong myembro ng Moro National Liberation Front ang inaasahang lalahok sa gagawing Grand Summit kasabay ng kanilang 51 Founding Anniversary na gagawin sa Cotabato City sa March 18, 2019.
Inaasahang mismong si Founding Chairman Nur Misuari kasama at si Pangulong Rody Duterte ang magiging bisita sa okasyon .
Gagawin ang aktibidad sa Peoples Palace ayon pa kay City Administrator Danda Juanday. Nagpapasalamat naman ang City LGU at napiling venue ang syudad.
Bukod sa mga hotel , Ilang paaralan naman ang nakatakdang ipapagamit sa mga myembro ng MNLF para pansamantala nilang tuluyan habang nsa syudad dagdag ni Admin Danday.
Kaugnay nito, handa handang na ang City Government at mga otoridad para nasabing aktibidad ayon naman kay City Public Officer Retired Police General Rollen Balquin. Magpapatupad rin ng Re-Routing sa ilang lansangan ng syudad.
Nauna na ring nagpaalala sa publiko ang mga ito na matinding seguridad ang nakatagdang ipapatupad kasabay ng aktibidad.
GOOGLE PIC
MNLF Founding Chairman Nur Misuari at PRRD bisita sa Grand Summit sa Cotabato City
Facebook Comments