Hindi itinuturing ng Palasyo ng Malacanang na banta sa seguridad at kapayapaan ang Moro National Liberation Front o MNLF.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng naging pahayag ni MNF Founding Chairman Nur Misuari sa harap ni Pangulong Rodrigod Duterte na handa itong makipag giyera kung hindi maisasakatuparan ang pangako ng Pangulo na ipatutupad ang Federalismo sa bansa.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi nila maituturing na banta ang MNLF sa Gobyerno.
Paliwanag nito, ang naging pahayag ni Misuari ay paghahayag lang ng kanyang pagkadismaya dahil hindi parin natutupad ang matagal nang naipangako na Federalismo.
Sinabi pa nga aniya ni Pangulong Duterte kay Misuari na kung hindi maipatupad ang Federalismo ay handa rin ang Pangulo na lumaban at mamatay kasama si Misuari.