MNLF, nagpahayag na rin ng suporta sa pag-apruba ng pangulo sa amnesty proclamation para sa kapayapaan at reconciliation

Maging ang Moro National Liberation Front (MNLF) ay pinuri ang pag-isyu ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Proclamation No. 406 na nagbibigay ng amnestiya sa kanilang mga miyembro para magbalik-loob sa gobyerno.

Sa opisyal na pahayag ni Office of Deputy Speaker Ustadz Abdulkarim Tan Misuari, sinabi nitong ang Proclamation No. 406 ay patunay ng commitment ng gobyerno para sa pagkakaisa, kapayapaan at reconciliation.

Magsisilbi rin aniya itong mahalagang hakbang para pagkakaroong ng national unity, at pag-promote ng mapayapang nasyon.


Sa pag-apruba aniya ng amnestiya nagpapakita na seryoso ang pangulo sa pagkakaroon ng dialogue at negosasyon para maresolba ang anumang conflict laban sa gobyerno.

Dagdag pa ni Misuari na ang desisyong ito ng pangulo ay hindi lang susuporta sa reintegration ng mga miyembro ng MNLF sa komunidad sa halip magkoko-contribute rin sa nation-building.

Facebook Comments