MNLF, tumulong din sa pagbuo ng bagong draft ng BBL

Manila, Philippines – Tiniyak ngayon ng Bangsamoro Transition Committee na kasama ang lahat ng sector sa ARMM sa pagbuo ng bagong draft ng Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon kay Bangsamoro Peace Panel Chairperson Irene Santiago, bukod sa Moro Islamic Liberation Front o MILF, iba pang Indigenous People ay kabilang din ang Moro National Liberation Front sa mga kinonsulta sa pagbuo ng BBL.

Matatandaan na inirereklamo ng ilang sector sa Mindanao sa unang BBL ay hindi sila isinama sa konsultasyon ng pagbuo nito.


Sinabi ni Santiago, ginawa ito upang tiyakin na walang moro ang mapagiiwanan at welcome din naman aniya sa MILF ang pagsali ng MNLF sa konsultasyon sa katunayan aniya ay mayroon nang input ang MNLF sa naturang draft.

Mas konmprehensibo at mas praktikal narin aniya ang bagong BBL na isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo bago isumite sa kongreso upang maging ganap na panukalang batas.
DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments