babaeng nakagapos at nilagyan ng tape ang bibig narescue

General santos City—narescue ng nagpatrolyang Barangay Tanod ng Barangay Labangal nitong lunsod ang isang babaeng nakagapos at nilagyan ng tape ang bibig sa isang bakanteng lote sa Prk. Mudia, Barangay Labangal Gensan.

Alas 7:00 kagabi ng napansin ng mga nagpatrolyang tanod ang biktima na tulala at basang basa ng ulan sa nasabing lugar. Agad itong nirescue at kinalagan ng tali sa kanyang kamay at paa saka dinala ng Dr. Jorge Royeca Hospital.

Sa ngayon patuloy na ginagamot ang nasabing babae na tinatayang nasa 30 taong gulang, nakasuot ng t-shirt at kulay itim na short, katamtaman lang ang kangangatawan at hanggang balikat ang buhok.


Walang impormasyon na nakuha sa kanya ang Police Station number 2 dahil tulala parin ang nasabing biktima. Inaalam pa ng pulisya kung itoy biktima ng panggagahasa o pambobogbog dahil nakitaan ito ng mga pasa sa kanyang katawan.

Facebook Comments