MOA ng NBI at PNP para sa susunod na illegal drug operation, inaasahang mapipirmahan na sa Nobyembre

Inaasahang pipirmahan na sa Nobyembre ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa mga susunod na illegal drug operations ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, posibleng pirmahan ito bago ang compulsory retirement ni PNP Chief General Guillermo Eleazar.

Kaugnay nito, umaasa si Guevarra na mahigpit na susundin ng susunod na PNP chief ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na patawan ng parusa ang mga pulis na nakitaan ng paglabag sa Oplan Tokhang.


Samantala, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi perpekto ang ipinapatupad na war on drugs gaya ng ilang programa ng pamahalaan.

Pero giit nito, hindi raw dapat maapektuhan ang buong programa dahil lamang sa ‘bugok’ na gawain ng iilan.

Facebook Comments