MOA SIGNING AT BLOODLETTING ACTIVITY, ISINAGAWA NG PNP ISABELA AT RED CROSS ISABELA

Cauayan City – Pinagtibay ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) at ng Philippine Red Cross Isabela Chapter ang kani lang matagal nang ugnayan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) signing at isinagawang bloodletting activity.

Ayon kay Nestor Bagunu, kinatawan ng Red Cross Isabela, ang bawat patak ng dugo ay may kapangyarihang magligtas ng buhay at isang simbolo ng kabayanihan at malasakit.

Binigyang-diin naman ni IPPO Provincial Director Police Colonele Allen Bauding ang kahalagahan ng pagbibigay ng dugo bilang isang simpleng paraan ng kabayanihan at pakikiisa sa komunidad.

Aniya, ang pakikipagtulungan ng PNP sa Red Cross ay patunay ng kanilang patuloy na pangakong maghatid ng makataong serbisyo sa publiko.

Dinaluhan ng mga boluntaryong donor mula sa iba’t ibang yunit ng kapulisan at advocacy support groups ang nasabing aktibidad.

Samantala, umabot sa 53 bags ng dugo o katumbas ng 23,850cc ang nakolektang dugo.

Facebook Comments