MOA SIGNING SA PAGBUBUKAS NG EYE TISSUE RETRIEVAL CENTER SA PANGASINAN, PORMAL NANG INILUNSAD

Pormal na inilunsad sa Pangasinan Provincial Hospital sa lungsod San Carlos ang signing ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa pormal na pagbubukas ng Eye Tissue Retrieval Center sa Pangasinan.
Inilunsad ang bagong center na ito para sa mga residente o pasyente na ‘visually impaired individual’ sa lalawigan maging sa mga karatig bayan at probinsya.
Ang naturang pirmahan ay dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ni Gov. Ramon Guico III at Vice-Gov. Mark Lambino katuwang ang Founding President and CEO Ambassador-at-large Ma. Dominga Padilla ng Eye Bank Foundation of the Philippines CEO at ang Acting President Bernardita Navarro.

Umaasa ang mga ito na maraming matutulungan ang center na ito lalong lalo na sa mga may problema sa paningin para makapagpatuloy pa silang makakita. |ifmnews
Facebook Comments